Pages

Thursday, October 7, 2010

TAGALOG VERSES: by Richard Bascon

Mr. John Richard Barcelon Bascon, RN:
LOVE VS FRIENDSHIP
http://www.facebook.com/profile.php?id=100001061361076



Love vs Friendship

by: Richard Bascon

Sa bawat pag-ikot ng mundo

May ka-akibat itong pagbabago

Maging sa liwanag man o sa kadiliman

At maging sa kasiyahan o kalungkutan man.


May mga bagay na di natin makita

At may mga bagay na di rin natin madama

Ngunit sa bawat pag-ikot nitong mundo

May kaakibat itong pagbabago sa buhay mo at buhay ko.


Sa bawat yugto ng ating buhay

May makikilala tayong magbibigay kulay

Maaring mapunta tayo sa mundo ng kaliwanagan

O maari din naming sa mundo ng karimlan.


May mga tamang panahon na dapat hintayin

Mga panahon na kailangan harapin

Mga bagay na kailangang tiisin

Para sa ikabubuti ng ispan at damdamin.


Isipan na minsan ay sadyang magulo

Katulad na lamang ng isang trumpo.

Ngunit isipan ay lalong magulo

Kapag puso’y nagsimulang malito.


Sa bawat hakbang na ating ginagawa

Pwedeng mabuti o masama

Ngunit sa huli ito’y matatapos din

Sa isang desisyong mula sa puso at damdamin.


Minsan ay puso, minsan ay isip

Di natin mapagsabay gamitin para sa iisang layunin

Dahil sa kung minsan ito’y maykasakitan

Dahil sa puso ito’y may kahirapan.


Mahirap magmahal sa isang kaibigan

Dahil ang mundo niyo ay sadyang may kaibahan

Kaibahan na dapat pangalagaan

Na maaring mawala sa isang iglap lamang.


Pagmamahal na minsa’y di mapigilan

Dahil sa kaniyang katangian.

Katangian na saiyo’y nagbibigay kulay

Sa iyong madilim at malungkot na buhay.


Buhay na minsa’y iyong inasam

Ngunit hindi naman mapagbigyan

Dahil sa inyong pagkakaibigan

Kaya’t pagmamahal ay pilit iwasan.


Pag-iwas na iyong sinasadya

Upang siya saiyo’y huwag nang mawala

Pagmamahal na iyong pilit tinatago

Para sa buhay niyo’y walang pagbabago.

No comments:

Post a Comment