Pagkakataon nga Naman..!
http://www.facebook.com/profile.php?id=100001061361076
Pagkakataon nga Naman..!
By Richard Bascon
Minsan sa buhay ng isang tao, may isang taong darating na nilaan ng tadhana para sa kanya, ngunit sa pagdating ng tao na ito marami ang posibilidad na mangyari na dapat nating alamin. Sa mga posibilidad na ito nandirito ang posibilidad ng tunay na pagkakaibigan, ang pagiging sandalan at hingahan ng problema, posibilidad na magkaroon tau ng kagalit ngunit magpapatibay ng ating pagkatao, at ang posibilidad na magkaroon tayo ng isang paghanga o pag-ibig. Oo, pag-ibig nga! Ngunit sa lahat ng bagay kadalasan dito sa puntong ito tayo’y walang kasiguraduhan. Kasiguraduhan na kung magiging masaya ba tayo sa huli o sakit sa puso ang maidudulot nito sa atin. Lahat ng pag-ibig may sakit na naidudulot ngunit ito ay depende sa taong nagmamahalan, ito’y maaaring mapagusapan upang mapagtibay pa ang kanilang pagsasama o mauuwi na sa isang hangganan. Ngunit sa lahat ng nagmamahal hindi talaga maiiwasan ang masaktan pero ito’y pagsubok na kailangan nating pagdaanan upang mas tumibay ang ating pananalig sa larangan ng pag-ibig. Hindi lahat ng pag-ibig na masakit ay kailangan makaapekto sa atin, minsan ito’y magsisilbing gabay sa mga susunod pang panahon at yugto ng ating buhay sa larangan ng pag-ibig. Pero bakit may mga tao na handang sumugal para sa kanilang minamahal? Bakit may mga tao na kayang maging martir kahit na nasasaktan na sila? Sa larangan ng pag-ibig, ito’y maihahalintulad natin sa isang maluwag na daan o kalsada, bakit? Sa kadahilanan ang isang kalsada ay may dalawang daluyan may pasukan at labasan parang isang entablado na may ENTRANCE kung tawagin at EXIT. At hindi mawawala sa mga daan na ito ang lubak o mga baton a nakaharang. Mga harang na magsisilbing pagsubok sa buhay ng dalawang nagmamahalan na dapat nilang harapin at malampasan. Sa dahilan na ang pag-ibig ay binubuo ng dalawang tnilalang. Kung may nagmamahal may tanggap at sa pagtanggap nito ay parang kahera sa isang tindahan na kailangang suklian pero hindi lahat ay ganun. Sa kadahilanang ang pag-ibig ay walang katumbas. Ito’y maaari nating ihalintulad sa bayad pero siguraduhing ang pag-ibig na ating inaalay para sa isang tao ay mananatiling sobra sa inaasahan mo para may bumalik. Pero hindi ba’t hindi tama ang ganung kaisipan pagdating sa pag-ibig! Masama ang umasang may ibabalik saiyo kung wala namang maibabalik saiyo ang isang tao sa kadahilanang hindi niya kayang suklian ang pag-ibig na inilalaan mo para sa kanya.
Pero ano nga ba ang sabi ng tadhana tungkol sa pag-ibig na walang wakas? Mayroon nga bang ganoong klase ng pag-ibig? Siguro sa ilan mayroon, ayun ay para sa mga taong naniniwala sa tunay at wagas na pagmamahal. Ang mga posibilidad sa buhay ay maaring magturo sa atin ng aral upang tayo ay mas lalong tumibay at maging matatag sa hamon ng buhay. Na para sa susunod na may dumating na pag-ibig alam mo na ang iyong mga pagkakamali at nararapat gawin. Kaya lahat ng tao na dumarating sa ating buhay ay dapat nating pahalagahan maging sila’y maging kaaway natin, kaibigan, o kaisang puso man. Minsan lang darating ang mga tao na ito sa buhay natin kaya’t huwag nating palampasin lahat ng mga tao sa buhay natin maging sino man sila. Ang mas magandang gawin natin ay ang huwag pumili sa mga tao na darating sa ating buhay mayaman man o mahirap, may dating man o wala, may itsura man o pangit..mali!kasi dapat wala tayong konsepto ng pangit dahil kapag nagkaroon tayo ng bantayan sa buhay hindi na natin makikita ang maganda dahil mas lagi tayo maghahanap na MAS, dahil kung may MAS wala na tayong magagawa kung hindi ang magsukat ng magsukat sa bawat tao na darating sa bawat yugto ng ating buhay. Kung baga sa batayan eh wala ng papasa kung magkaganun man. Masakit ang magmahal kung minsan dahil tayo’y nasasaktan pero masarap magmahal kung mamahalin din tayo sa tamang panahon at tamang pagkakataon. Mabuti ang maghintay hindi ito nakakasama basta’t alam natin kung kalian tayo nararapat ng sumuko sa laban na alam na pala nating wala nang patutunguhan. Masakit pero kailangang tanggapin, kailangan nating lumaban at magmahal para sa ating sarili, dahil baka hindi na natin mapansin tayo ay unti-unti nang nauubos, dahil wala na tayong pagmamahal sa mga sarili natin. Hanggang sa dumating ang punto na ang taong nararapat para sa atin ay wala nang matatanggap sa kadahilanang wala na tayong maibigay dahil ubos na tayo. Kaya mabuting magtira para sa sarili hindi sa pagiging makasarili pero para sa ikakabuti ng dalawang panig.
Ang pagtitira ng pagmamahal sa sarili ay maraming maitutulong, hindi lamang ang pagkakaroon pa ng maibibigay sa ibang tao na darating sa atin upang mahalin tayo, ngunit pati na rin sa atin upang tayo’y tulungang makalimot sa mga sakit na ating nadama at upang tayo’y magkaroong ng puso upang magpatawad sa mga tao na naging dulot ng ating pighati at pagdadalamhati sa ating kabiguan sa pag-ibig. Kaya’t sa bawat tao na nasaktan nang dahil sa pag-ibig..kayo’y huwag mawalan ng pag-asa dahil dapat tayong magtiwala at maniwala na may isang tao na nakalaan at darating para lamang sa atin….!
No comments:
Post a Comment